Sunday, May 3, 2009

unepected gift

4/24/09

memorable ang araw na to para sakin... kasi nalaman ko na buntis pala ako , although delayed ako ng 3 months parang pangkaraniwan na lang sakin un hindi ako nag aalala kasi baka delayed nga lang ako... pero sabi ng ob ko "confirmed 6 weeks" na daw akong buntis.. masarap pala sa pakiramdam kasi biruin mo magkaka baby na kami ng asawa ko matagal din kaming naghintay.... nakita ko rin ung first ultrasound ng baby namin... napaka liit pa niya... pero napakasarap sa pakiramdam habang nakikita ko ung ultrasound....

kaya lang may konting problema .. parang hindi fully develop kaya kailangan kong bumalik sa kanya sa may 8 para masigurado kung magbabago at magkakaron ng konting development ung baby ko.... nag malaman ko un, nakaramdam ako ng takot, may chance kasi na baka mawala ung baby ko kung hindi maganda ung kalalabasan ng ultrasound nia sa may 8....


4/27/09

sa sobrang takot at pag iisip ko sa maaring mangyari sa baby ko nagkaron ako ng spotting
kaya pumunta ako agad sa ob... sabi nga niya malaki ang chance na makunan ako kung magtutuloy tuloy ung spotting ko... hindi niya ako binigyan ng gamot na pampakapit... pero may vitamins akong iniinom.... saka niya sinabi ung totoong pedeng mangyari.... ung 2 weeks na binigay niya sakin palugit un kung mabubuo talaga at madedevelop ung baby sa tyan ko, pero sabi kung patuloy pa rin ung bleeding niya mararaspa daw ako...

lam mo ng marinig ko un magdamag kong iniyakan un.... kasi matagal na namin ung hinintay alam kahit hindi nagsasalita ung asawa ko nasasaktan siya.... gaya ng nararamdaman ko... ready na kasi kami para bang ok na lahat un na lang hinihintay namin... tapos may posibility pa na mawala.... sabi niya sakin ok lang daw un kung talagang para samin sa amin... pero kung hindi daw kailangan naming tanggapin.... sabagay tama naman siya kaya lang kahit anung isip ko nasasaktan pa rin ako... may naka handa na nga akong pangalan... nakapag isip na ko.... kaya lang sana nga para talaga sa amin ung baby.... sana nga wag siyang kunin sakin ... samin ng asawa ko....